Maala – ala Mo Pa Kaya?


Hindi lahat ng tao ay pinanganak na mayaman at mahirap. Mayroon tayong ibat- ibang kapalaran. Tanggapin man natin o hindi ang kapaalaran natin ay bahagi ng buhay, masaya man o puno ng kalungkutan. Ngunit sa araw ng ating buhay, tayo ay maghahatol sa ating  sarili kung ano ang hakbang na dapat nating tahakin upang mabago ang ating kapalaran.
Ngayon magsisimula ang kwento ng buhay ko.
Minsan sa aking buhay na maisilang ako dito sa mundo. Ako ay itinakdang maging anak mahirap. Subalit magkagayun man, tanggap ko ang bagay na iyon. Hindi ko pinagsisisihang maging anak ako ng mahirap at mabuhay sa kakaibang mundong aking kinamulatan. “Sabi nga sa kasabihaan, kapag ikay ipinanganaak na mahirap at namataay paaring mahirap, kasalanan mo na iyon”.. ikaw na ang dapat sisihin sa bagay na iyon dahil hindi ka nagsumikap na baguhin ang buhay na mayroon ka.
Noong bata pa lamang ako, lumaki akong walang ama na kinamulatan. Marami akong hindi naranasan na hindi katulad ng mga naranasan ng iba.  When I was 3 years old,ng umpisang pabayaan kami n gaming  ama. That time 15 years old palang ang panganay naming kapatid at ang bunso naman ay 7 months old.
Kaya bata pa lamang kami ay nasabak na sa maagang pagbabanat ng buto, lalo na ang mga nakatatanda naming mga kapatid.. Bata pa lamang sila ay nakikigapas, pakikipagtanim ng palay ang ginagawa nila tuwing silay paminsan minsang lumiliban sa klase. Maraming hirap at sakit ang dinanas ng kanilang mga kamay at pagal na mga katawan upang magkaroon lamang ng makakain sa pangaraw araw na buhay…
Pito kaming magkakapatid. Tanging ang Ina lamang namin ang nagpalaki sa aming pitong magkakapatid. Thank God dahil hindi kami naisipang ipaampon ng aming ina sa kabila ng hirap nang buhay at lahat kamiy  maliliit pa. Sa kabila noon, ay sabayan pa ng mga mapanlait na mga kamag anak sa buhay namin, na pinipilit naming mabago. Sila ang mga taong habang umaasenso ka, ay pilit kang ibabagsak… wala kaming inasahan sa kanila, at never kaming umasa. Namuhay lamang kami sa sarili naming sikap at tyaga na hindi naghihintay ng grasya na babagsak na lamang basta sa lupa.
Fifteen years old lamang ang kapatid kong panganay  ng pabayaan kami ng aming ama. Natuto syang magsumikap para lamang makapagaral. Bago pumasok sa eskwela, nagiikot sa pagbebenta ng pandesal, ngtitinda ng mga candy sa school at sa gabiy nagtitinda ng balot at minsan ay lumiliban sa klase upang sumama makigapas o ano kaya ay makipagtanim. That time, ang trabaho ng nanay ko ay paminsan – minsang nakikilabada, nakikigapas, nakikitanim, at minsan ay tagapamalansa at tagalinis ng bahay at walang kasiguraduhan ang kita.  Halos walang pahinga upang makakayod para lamang sa pangunahing pangangailangan..Ganoon din ang mga naging gawain ng mga iba ko pang mga kapatid. Minsan nagagapas,nasusugatan ang mga kamay, nahihiwa ang mga paa dahil sa hirap ng paglusong sa kabukiran at ito ay maituturing na pambihirang karanasan.
Maswerte pa rin ako dahil hindi ko naranasan ang mga naranasan nila. Bunso ako sa babae kaya ng lumaki ako, kahit papaano ay hindi na katulad ng kinamulatan ng sa kanila. Kahit papaano ay malaki na sila at nagtratrabaho na sila sa Manila. Kaya kahit papaano ay hindi na namin kailangan pang magbukid, at marahil ay ayaw na nilang maranasan pa naming bunso ang naranasan nilang mga mas nakakatanda.
Ngunit lahat kami ay maypagkakaiba ng kinamulatan at naranasan sa buhay. Ako lumaki ako sa piling ng aking ina, kasama ng dalawa kong kapatid(yung sinundan ko at ang bunso). Madalas ay napagkakamalan kami na tatlo lamang kaming magkakapatid, marahil ay dahil hindi namin sila nakasama ng matagal sa aming paglaki.
Lumaki ako na nakatira sa isang eskwelahan. Mahabang istorya kung bakit kami napadpad doon. Nang mag – aral ng high school ang panganay naming kapatid ay pumasok siya sa school na yun bilang working student upang sa gayon ,siya ay makapagaral. Gayon din ang ginawa ng mga sumunod ko pang mga kapatid.. Hanggang sa mapasok na rin doon ng work ang aking ina. Naging janitress siya doon. Hanggang di nag laon, kami din na mas bata ay naging working student narin upang makapagaral. Dahil yoon lamang ang maipamamana ng aming ina sa amin na maadalas at paulit ulit nyang sinasabi sa amin.(hindi siya nakapag kolehiyo. Hindi siya pinagaral ng aking lola sa kadahilanan na matalino na daw ang nanay ko at hindi na kailangan pang magaral,. Nagaral ang inay ko ng elementary hanggang matapos ng high school na nasa ikatlong posisyon sa mga nagkakamit ng mataas na ranggo, marahil kaya lagi niya kami sinasabihan at pinipilit na kami ay makapagtapos ng pagaaral dahil gusto niyang mabago ang aming buhay.)
Bata pa lamang ay natuto kaming tumulong sa aming ina sa paglilinis sa paaralan. Natatandaan ko pa na grade 2 pa lamang ako noon ng naglilinis narin kami sa school at tulong tulong na nagtratrabaho para sa mga gawain upang malibre lamang ng pagaaral hangang sa matapos ako ng high school. Sa umaga ay kailangan pang gumising ng maaga upang magwalis sa buong compound ng eskwelahan, upang sa gayon ay makapasok kami on time sa aming klase at sa hapon kapag ang lahat ng estudyante ay nagsiuwian na, kami naman ay maglilinis na ng mga cr, office, computer room,faculty at magsasara ng ibat ibang room sa elementary. Gayun din ang gagawin namin sa araw ng lingo. Kailangan linisin ang buong kapaligiran ng buong compound ng school at ang mga opisina upang pagsapit ng lunes ay hindi kami mahirapan sa paglilinis nito ng muli. Mahirap ngalang maglinis kapag my bagyo, malalakas na hangin at ang pagbaha. Kaya swerte ang mga batang may mga magulang na kaayaang tustusan ang kanilang pagaaral, ngunit minsan ay hindi pinapahalagahan.
Nang kami ay nagaaral, kahit na ganoon ang buhay na kinamulatan naming, natuto parin kaming magsumikap. Nasasama kami ng bunso kong kapatid sa mga honor sa school. Syempre di kami pahuhuli.
Ang kapatid naming panganay ay nakapagtapos ng programming sa STI na ngayon ay mayroon ng sariling pamilya sa Laguna. Dahil sa sipag at tyaga, ngayon ay mayroon silang maliit na gawaan ng candy, gift shop at rentahan ng tent,video oke at iba pang party needs.  Ang pangalawa naman ay may maayos naring pamumuhay. Mayroon na siyang sari- sari store, xeroxan at ngayon ay kakabukas lamang ng computer shop. Ang pangatlo ay nasa Rhiad. Marami man dinanas na pagsubok dahil sa pekeng recruiter at naloko na kuhanan ng 75.000… ngayon ay patuloy na nakikibaka sa ibang bansa at doon ay bumubuo ng munting pangarap. Ang pang apat naman ay nagtapos ng sea man ngunit sa di inaaasahang pagkakataon, nakapagasawa ng medyo maaga at hindi na nakatulong sa pamilya. Ngunit paminsan minsan ay may pagkakataong nkatutulong din sa aming mga pangangailangan. Ang pang lima ko naming kapatid ay ngayon ay may asawa na at maayos narin ang buhay. At ako naman ang panganim. Ngayon ay kasalukuyang nagaaral na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education major in Biology at nasa ika apat na ng taon. At ang bunso naming kapatid ay first year college din sa College of  Education.
Kung paguusapan ang kabuuan ng buhay ko, marahil ay masasabing ito ay komplekado.  Mula pagkabata, nabuhay akong walang kinamulatang ama. Sa tuwing makakakita ako ng mga ama na kilik kilik ang kanilang mga anak, sobra ang pagkainggit ko, gayundin ang pagtatakang bakit hindi ko manlang naranasang magkaroon ng ama. Lagi kong tinatanong sa aking sarili, kung bakit ako pa ang pinagkaitan ng mga bagay na hindi ko naman dapat natamo.
Mahirap maging anak mahirap, ngunit mas mahirap ang lumaki ng walang ama. Kahit na kolehiyo na ako nagyon, dala dala parin ang hirap na walang ama. Lumaki ako na may galit at tampo sa kanya. Hindi ko lubos maisip na bakit natiis nya kaming pabayaan sa pagka menorde edad namin that time at mabuhay na buhayin ang ibang pamilya at anak ng may anak. Sa ngayon ay napatawad ko na siya sa ginawa niya na pag iawn sa amin sa kabila ng hirap ng buhay. Ngunit isa lamang ang masasabi ko, kahit na siya ay tumanda na, hindi ko siya kayang tanggapin at arugain bilang aming ama. Sa ibang tao, madali lamang sabihin na kahit pinabayaan kayo, ay ama nyo parin sya at muling tanggapin. Ngunit kung kayong mga tao na nagsasabi ng ganyan sa amin, kung kayo ang nakatamo ng hirap ng pisikal na hirap ng pangangatawan at pagdadala ng mabigat na agam agam sa emosyon at galit sa damdamin, ay marahil ay hindi ninyo kayang sabihin ang mga bagay na iyan. 
Magkayunpaman, ako ay maswerte pa rin dahil nagkaroon ako ng mga kapatid at nanay na mapagmahal, matyaga at lagging nagsusumikap para sa kapakanan ng lahat. Gayundin ang pagkakaroon ko ng mga tunay na kaibigan,si tin at si mhel(ang bestfriend ko 4ever) at ang marami kong mga super close friends sa Licab at sa CLSU at higit sa lahat ang aking AMA na poong lumikha.
Sa mga time na malungkot ako, mas gusto ko ang mapagisa upang hanapin ko ang aking sarili. Masarap kausap ang katahimikan, doon mo mararandaman na ikaw ay malayang nakikipagusap sa poong lumikha.  Mayroon na akong nasalihang mga ministry at umattend sa ibat ibang pagdalo at pakikinig sa mga turo ng ibat ibang relihiyon, ngunit hanggang ngayon ay lagging may kulang. Marahil ay may hinahanap ako na hidi ko mahanap sa lahat ng iyon. Hinahanap ko marahil ang sarili ko.
 Marami ng dumating na tao sa buhay ko na nakapagiwan ng bakas sa puso ko. Mga taong minsan ay kahit hindi mo kaanoano, ay sila pa ang magmamahal ng totoo sayo, at magpapahalaga sayo.
 Masarap mag mahal at mahalin ngunit kung ang taong iyon ay hindi ka kayang protektahan, igalang,pagkatiwalaan  at tanggapin ang nakaraan mo, marahil ay mas nanaisin mo pang maging magisa sa buhay kaysa magkaroon lamang ng batong ipupukpok mo sa ulo mo. Base sa karanasan ko, ayokong magkaroon balang araw na katulad ng pamilyang kinamulatan ko(broken family). Ayokong dumating ang time na danasin ng magiging anak ko ang dinanas ko ng bata pa ako.
Marahil sa buhay ng tao’y hindi maiiawasang maranasan ang mga bagay na ayaw nating maranasan natin at maranasan ng iba. Maraming bagay ang ipinagkakaloob ng panginoon na mangyari dahil sa planong kanyang nilikha simula pa laamang ng tayoy isilang sa mundong ito. Ipinagkaloob sa atin ng panginoon ang mga bagay bagay dahil yoon ang nakatakda para sa atin. Basta huwag lamang tayong mawawalan ng pagasa sa buhay. Darating din ang araw na ating pinakahihintay. Matuto lamang tayong magtiwala at maghintay. 

Comments

Popular posts from this blog

“ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”

Pagbangon, Isang Simulain

“Pag-asa”