"Inay" 08-21-08

Mula pagkabata, IKAW lang ang naging tanglaw.
Saksi sa lahat, pangyayari sa aming buhay.
Maraming salamat, sa buhay na IYONG ibinigay.
Pagpapalaki sa amin, sa mabuting paraan.

Sa  bawat pighati sa aming buhay.
IKAW lang ang naging gabay.
Aming paglaki'y iyong natunghayan
Sa kabila ng pagsubok na ating pinagdaanan.

Sa bawat araw ng aming buhay
Pasasalamat sa iyo'y walang hangganan
Paglaki namin ng maayos na may paninindigan
Utang namin sa IYO, Inang tunay.

Comments

Popular posts from this blog

“ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”

Pagbangon, Isang Simulain

"I'm Still Dreaming" By Cinderella Sawit