“ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”
St. Christopher Academy of Nueva Ecija Inc. March 29, 2017 Cinderella C. Sawit (Guest Speaker) “ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”. Ang temang nagbigay sa akin ng isang katanungan! Sino-sino nga ba ang sabay-sabay na hahakbang tungo sa maunlad na kinabukasan? Nangangahulugan lamang na hindi ito iisa kundi ito ay sama-samang paghakbang. Nanumbalik muli sa aking isipan ang mga kaganapan noong ako’y katulad ninyong isang musmos na mag-aaral. Paano ko nga ba nakamit ang Maayos na kinabukasan na tinatamasa ko ngayon? Noong ako’y katulad ninyo na bata pa, hindi ako hinayaan na mag-isa ng aking nanay, mga kapatid, mga guro, mga kaibigan ; mga taong nagmamahal sa akin. Sinabayan nila ako na humakbang upang makamit ko ang katagumpayan. Kaya mga bata ang nakamit ninyong katagumpayan sa araw na ito ay hindi lamang nagmula sa inyong sariling lakas at pagsusumikap ; kundi ito ay nagmula sa pinagsama-samang kakayahan, talino at galing, tibay ng loob ng inyong mg