Isang munting bata nagmula sa kahirapan Unti-unting sumibol sa isang mahirap na bayan Sa hirap ng buhay na lubhang nakakasawa Patuloy na lumalaban sabuhay na mapagpala Lubhang napakahirap ng buhay ngayon Sa unting kibot, pera mo’y mauubos Saan man sa mundo ikay mapasuot Tatambad sayo ay masamang dulot. Naway magkaroon ng munting pag-asa, Upang mamamayan, may makamtang ginhawa, Hindi tulad noon, kahit kaunti ay mayroon pa, Ngunit bakit ngayon, wala ng talaga. Mga bata’t matanda na namumulot ng basura, Halina’t bigyang pansin na sila’y kakaiba, Sa kabila ng hirap hindi bakas ang dinaranas Masaya sa pagharap ng bagong bukas.
Comments
Post a Comment