Walang Saysay!!!


May ilan ilan mayayaman
Mababa ang tingin sa mahirap
Kahit anong pagsusumikap
Ang pagtingin nilay hindi manlang maiangat.

Paano na kaya ang mga kapuspalad
Kung silang mayayaman ang mga nanghahamak
Nakasasakit ng damdamin ngunit wala parin habag
Bakit kaya may mayayamang tanyag?!!




Pansariling kagustuhan ang laging napagbibigyan
Sa karapatan ng iba ay balewala lamang
Mayaman ka, mahirap ako! Magkaiba nga tayo.
Kaya pagkatao ko’y ibang iba sayo!

Darating ang panahon, pagsusumikap ay makakamtan ko
Hintayin mong akoy maging kapantay mo
Kapag dumating ang araw na kapahihintay ko
Mananahimik ako’t di ko gagawin ang ginawa mo!

Comments

Popular posts from this blog

“ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”

Pagbangon, Isang Simulain

"I'm Still Dreaming" By Cinderella Sawit