“Pag-asa”


Isang munting bata nagmula sa kahirapan
Unti-unting sumibol sa isang mahirap na bayan
Sa hirap ng buhay na lubhang nakakasawa
Patuloy na lumalaban sabuhay na mapagpala

Lubhang napakahirap ng buhay ngayon
Sa unting kibot, pera mo’y mauubos
Saan man sa mundo ikay mapasuot
Tatambad sayo ay masamang dulot.

Naway magkaroon ng munting pag-asa,
Upang mamamayan, may makamtang ginhawa,
Hindi tulad noon, kahit kaunti ay mayroon pa,
Ngunit bakit ngayon, wala ng talaga.

Mga bata’t matanda na namumulot ng basura,
Halina’t bigyang pansin na sila’y kakaiba, 
Sa kabila ng hirap hindi bakas ang dinaranas
Masaya sa pagharap ng bagong bukas.

Comments

Popular posts from this blog

“ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”

Pagbangon, Isang Simulain