MAY PAGKAKATAON PA BA?

Maraming bagay, gusto kong mangyari sa aking buhay,
Baguhin ang kapalaran, sa ibat-ibang paraan
Pagiging aktibo, nais kong subukan
Pagsali sa samahan, hindi ko titigilan.
  
Ako’y naghihintay, sa takdang panahon
Laging nagtatanong, mayroon pa bang pagkakataon
Dumating sana ang araw, ako’y mapagbigyan
Pagkakataong lagi nalang inaasam.

Noon gusto kong sumali, sa pagsulat ng journal
Ngunit, lagi nalang walang time;
Bakit nga ba?
Lagi nalang, hindi ako mapagbigyan.





Sa lumipas na araw at panahon
Wala na ba talaga, akong pagkakataon?
Ngunit, bakit nga ba?
Naulit muli ang nangyari noon?

Hindi ko maipaliwanag, pangyayarisa buhay ko
Paulit-ulit, hindi ko matanto
Kailan pa darating, ang pagkakataon ko
Siguro, hindi para sa akin ito.

Sa pagsulat ng tula, ang kababawan ko
Kaalaman ko, sana’y mapalawak nito
Maraming bagay, nais ibahagi sa mundo
Ngunit papaano? Di ko alam ang gagawin ko!

Comments

Popular posts from this blog

“ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”

Pagbangon, Isang Simulain

"I'm Still Dreaming" By Cinderella Sawit