Pagbangon, Isang Simulain


Ikaw, Para kanino ka bumabangon? Isang katanungang mula sa isang komersyal sa television. Para kanino nga ba?
Karamihan sa atin bumabangon tayo upang apagpatuloy ang buhay, dahil nasa atin ang pagpapasya na gawin itong makabuluhan. Ngunit may mga taong hindi lubusang nauunawaan kung bakit sila bumabangon tuwing umaga. Marahil iniisip nila na ang muling araw ng kanilang pagbangon ay karagdagan lamang upang mabigyan ng kabuluhan ang kanilang buhay.
Kadalasan ginugugol ng tao ang kanilang oras upang magpakasaya ng walang limitasyon at gawin ang lath ng maibigan habang silay nabubuhay, dahil ang kamatyan ay dumarating ng walang paramdam.
            Ganito ang sinabi ng banal ng Israel ng Panginoon mong sa iyo’y tumubos: “Ako ay ang Panginoon na iyong Diyos. Tuturuan kita para ka umunlad, papatnubaya kita saan ka man pumunta. Kung sinusunod mo lang ang utos ko, pagpapala sanay dadaloy sa iyo parang ilog na di natutuyo ng agos tagumpay mo sana ay sunod sunod, parang dating ng alon sa dalampasigan(Isa. 48:17-18,MB).
            Kung pilit tinutuklas ng tao sa kanyang sarili kung sino siya, kung ano ang dahilan ng kanyang buhay at ng lahat ng bagay. Marahil ang muling pagbangon natin para sa kinabukasan ay magiging tunay at lubos na makabuluhan.
            Matuto lamang tayong making sa tama at imulat ang ating mga mata sa katotohanan. Hindi lahat ng ating naririnig ay matuwid at hindi lahat ng nakikita natin ay totoo. Matuto lamang tayong magsuri kung ang pagbangon natin ay tungo sa pamumuhay na naqaayon sa kagustuhan ng Panginoong Diyos.
            Lagi nating tatandaan, “ Kapag ang aral ng Diyos ang isinabuhay, buhay natin ay puno ng kulay”.

Comments

Popular posts from this blog

“ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”

“Pag-asa”