Sa bawat pagsubok ay may pag-asa…..


Isang dapit hapon ng ako’y nakaupo sa bintana ng aming bahay, habang ako’ynag-iisip ng kung ano ang idodrawing ko upang mahasa naman at maging makabuluhan ang aking kamay, kamay na saksi sa lahat ng pangyayari sa aking buhay. Nang biglang nasilayan ko si Judy, na Judy Abott kung tawagin ng kanyang mga kaibigan.
Isa siyang batang masipag. Nabanayag ko tuloy ang kwento ng kanyang buhay na minsa’y nai-kwento nya sa akin noon, na kakapulutan ng aral.
Mula pagkabata, hindi niya kinamulatan ang kanyang ama. Pito silang magkakapatid, tatlong lalaki at apat na babae at siya ng ika-anim. Ang kanilang Ina lamang ang nagpalaki sa kanila sa kabila ng kahirapan. Pumasok si Judy bilang isang working student katulad ng kanyang mga nakatatandang kapatid na nagworking student din kung saan sila nag-aral ng high school upang makapag-aral at makapagtapos lamang.
Sa kabila ng hirap at pagod na dinanas ni Judy. Siya’y naging isang matatag at may paninindigan sa tulong narin ng kanyang Ina’ na maging malapit s Diyos.
Noong magtapos si Judy ng Elementarya siya ay nagkamit ng titulong salutatorian na kung saan siya ay isang working student lamang. Sa umaga, madaling araw siya gigising, kahit na madilim pa ay magsisimula na siyang magwalis s compound ng kanilang paaralan upang maiwasang malate at makapasok ng maaga.
Sa tanghali, paguwi niya sa kanilang bahay ay tutulong naman sya sa gawain at sa hapon bago siya umuwi ay maglilinis naman sya ng mga opisina, cr at iba pa. Tuwing araw naman ng sabado, tutulong siya sa gawaing bahay at minsan ay maglilinis o ano kaya’y magtatanim para sa ikagaganda ng paaralan. Pagdating naman ng lingo, magawawalis naman siya kasama ng kanyang ina at kapatid upang sa pagdating ng araw ng lunes ay hindi na siya hirap sa pagwawalis, at pauli-ulit itong nangyayari sa kanya sa araw-araw ng kanyang buhay mula elementarya hanggang sa siya ay makapagtapos na ng sekondarya.
Minsan naiisip ko tuloy na parang napakahirap mabuhay ng walang ama. Buti nalang hindi nagrebelde si Judy dahilan sa mga dinanas nyang hirapNi minsan kaya’y hindi sumagi sa kanyang isip na kung bakit hindi siya katulad ng ibang bata na may kumpleto at masayang pamilya. Sa kabila nito kahit bata pa ay nagsisikap na para lamang makapag-aral at makaahon sa kahirapan.

Kahit na ganoon ang nangyari, natutong magsikap at maging matatag si Judy. Kahit sa pag-aaral, sinikap niyang makabilang sa honor roll, at hindi naman siya nabigo. Mula first year hanggang third year ay nakasama siya bilang honor student. Ngunit ng siya ay nasa ikaapat ng level ng sekondarya, sa mga top 10 lamang siya nakabilang, bigla siyang nawala sa list ng honor roll na bigla niyang ikinagulat.
Ngayon siya ay nasa ikalawang level na sa pampublikong Universidad ng CLSU. Katulad ng dati, upang makapag-aral ay kailangan gumawa ng paraan. Kung kaya’t nagsumikap siya at kumandidato bilang SK Kagawad ng Sangguniang Kabataan, upang maging isang iskolar at upang kahit papaano ay mabawasan ang gastusin ng kanyang inay.
Sa pagtatapos ng Sem na ito, muli na naming haharapin ni Judy ang bagong bukas na kung saan hindi niya alam kung siya ay makakapagpatuloy pa ng pag-aaral sa susunod na semester na kung saan siya ay third year college student na.
Sa buhay natin, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap. Basta tayoy may paninindigan at tiwala sa Diyos at sa ating sarili, lahat ng bagay ay kaya nating lampasan. Katulad ni Judy na minsan sa kanyang buhay ay dumating ang isang bangungot na nagbigay ng lakas at tatag ng loob sa kanya.
Mula sa isang mahirap na pamilya, ngayon si Judy at ang kanyang mga kapatid ay may maayos ng buhay. Dahil sa sipag at tiyaga na makapagtapos, ngayon ang kanilang panganay ay may maliit ng gawaan ng candy at party needs shop sa Laguna. Gayundin ang kanyang iba pang mga kapatid ay may kanya-kanya ng trabaho sa Manila at sa awa ng Diyos dalawa na lamang sila ng bunso niyang kapati na nag-aaral sa ngayon,na kasama nila ang kanilang ina dito sa N.E.
Ang Judy noon na tatlon taon lamang at ang bunso ay 7 months old nang sila ay iwanan ng kanilang ama na ngayon ay 2nd year college at 3rd year high school na sa kabila ng pangungulila sa kanilang ama, ngayon silay patuloy na nakikibaka sa hamon ng buhay.
Sa hirap na dinanas ng kanilang pamilya, ako’y nabibilib sa tatag at lakas ng loob ng kanilang ina na buhayin ang kanyang pitong anak sa kabila ng hirap at pasakit ng buhay. Kaya tayo’y dapat magpasalamat na tayo’y may ama at ina na handang dumamay sa pagharap natin sa buhay na walang kasiguraduhan.

Comments

Popular posts from this blog

“ SABAY SABAY NA HAKBANG TUNGO SA MAUNLAD NA KINABUKASAN”

Pagbangon, Isang Simulain

“Pag-asa”