“Muta”

Dumating ang araw ako’y
hindi makakita
Ang mata ko’y puno ng
mutang makapal
Mutang katumbas ng
kasinungalingang kinamulatan
Puno ng kasinungalingan
buhay na kinagisnan.
Mahabang panahon na ko’y
bulag
Nabulagan dulot ng
kasinungalingan
Huli na ang lahat nang
aking maramdaman
Ako pala’y “bulag” na sa
katotohanan.
Sa panahon ngayon buhay
ay naging makulay
Matang may muta, ngayoy
naging mapungay
Mutang makapal naglaho
na ng lubusan
Katotohanay natunghayan
kaysarap pakinggan.
Sa buhay natin hindi
lahat perpekto
Hindi lahat ay dapat
paniwalaan
Katulad ng mutang
hadlang
Upang katotohana’y
masilayan.
Comments
Post a Comment