Maraming bagay, gusto kong mangyari sa aking buhay, Baguhin ang kapalaran, sa ibat-ibang paraan Pagiging aktibo, nais kong subukan Pagsali sa samahan, hindi ko titigilan. Ako’y naghihintay, sa takdang panahon Laging nagtatanong, mayroon pa bang pagkakataon Dumating sana ang araw, ako’y mapagbigyan Pagkakataong lagi nalang inaasam. Noon gusto kong sumali, sa pagsulat ng journal Ngunit, lagi nalang walang time; Bakit nga ba? Lagi nalang, hindi ako mapagbigyan. Sa lumipas na araw at panahon Wala na ba talaga, akong pagkakataon? Ngunit, bakit nga ba? Naulit muli ang nangyari noon? Hindi ko maipaliwanag, pangyayarisa buhay ko Paulit-ulit, hindi ko matanto Kailan pa darating, ang pagkakataon ko Siguro, hindi para sa akin ito. Sa pagsulat ng tula, ang kababawan ko Kaalaman ko, sana’y mapalawak nito Maraming bagay, nais ibahagi sa mundo Ngunit papaano? Di ko alam ang gagawin ko!